Thursday, April 21, 2011

In The name of love-Official Full Trailer


 


Dahil sa kabisihan ng tao sa pagsasadiwa ng Mahal na Araw dito sa Pilipinas inilabas ng Star cinema ang pinakabago nilang Pelikula ngayon taon ang "In the name of love" na pinagbibidahan ng mga primyadong artista na si Aga Muhlach,Angel Locsin at Jake Cuenca at idinirehe ng sikat na direktor na si Olivia Lamasan na kilala sa paggawa ng ganitong klaseng tema ng pelikula.

Mapapansin sa pelikulang ito na gumaganda ang bawat kuha ng kamera na kitang-kita sa Full trailer nito, na hindi maitatanggi na magaling talaga ang tatlong bidang sa dito pelikula.Si Angel Locsin ay napansin kung lutang na lutang ang kagandahan ngunit medyo may konting itinaba,sa kabilang banda naman ang dalawa bidang lalaki na hindi maitatangging magaling  umarte na hanggang ngayon wala pa rin kupas ang kagwapuhan ang ultimate Matinee idol ng Pilipinas na si Aga Muhlach.dahil na rin sa magandang pagkakagawa ng trailer nito ay lalu itong aabangan ng mga tagahanga ng mga bida.


Dito rin sa Pelikulang ito na hindi si Gary Valenciano ang kumanta ng theme song ng pelikula kundi ang isa sa mga paborito ng singer na si Jericho Rosales na kinanta ang bagong Bersyon na"Naaalala Ka"na orihinal na kinantA ni Rey Valera  na parte ng album ng aktor  "Jericho's CHANGE album" na kung saan mapapansin na gumaganda ang pagkanta ng actor-singer.Dagdag na impormasyon na si Gary Valenciano ang kumakanta ng mga pelikula ni Aga Muhlach  na Produced ng Star Cinema na kung saan laging tinatanghal ang aktor bilang "Box office king".

Source:

official website (inthenameoflove.starcinema.com.ph or simply inthenameoflove.ph) and was later uploaded on Youtube (StarCinemaABSCBN).

No comments:

Post a Comment

GOOGLE + 1