Saturday, April 23, 2011

President Aquino Video-Easter Sunday Message




     Here's the full transcript of PNoy's Easter Sunday Mesage (courtesy of GMA News):

 The video of PNoy's Easter Sunday Message was taped at the Lobby, Premier Guest House in Malacanang last April 19, 2011.

"Kaisa po ako ng sambayanang Pilipino sa pagdiriwang nang pagbangon ng Panginoon mula sa kamatayan, nang tubusin Niya ang sangkatauhan sa kasalanan.

Sa pagwawakas ng Semana Santa, hindi sana magtapos dito ang ating taimtim na pananalig sa Panginoon. Ipagpatuloy natin ang pagtupad sa Kaniyang mga aral at lalo pa nating paigtingin ang ating pagkakawanggawa.

Ito ang unang Pasko ng Pagkabuhay na ipinagdiriwang ng ating bagong administrasyon. Gaano man kadilim ang kabanatang ating dinaanan, ang pagsusulong ng tapat at mabuting pamamahala, kaakibat ang matibay na pagtitiwala at pagkakaisa, ang pundasyon natin upang malampasan ang kalbaryong ating dinatnan.

Patuloy nating alalahanin ang tunay na diwa ng Kaniyang dakilang sakripisyo. Bawat isa sa atin ay may maiaambag sa pagtuldok sa katiwalian upang maisalba sa hirap at pasakit ang marami nating kababayan. Sa pamamagitan lamang nito, mararamdaman ng bawat Pilipino ang tunay na liwanag ng pagbabago.

Isang mapayapa at mapagpalang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat."
                                                
                                               "Sa maikling kung Komento"

Masarap pakinggan ang nilalaman ng maikling pahayag ng ating pangulo sa pasko ng pagkabuhay na ating paginoon hesukristo sa kakatapos na Semana Santa sa ating bansa,tulad ng kanyang ina sya rin ay malapit sa simbahan katoliko at nakikinig sa turo ng mga ito.sa pahayag nyang ito na sana'y maging aral din sana sa ating mga pilipino na hindi lang sa panahong ng semana santa tayo ay nagdadasal o humingi ng kapatawaran kundi ipagpatuloy aral ng ating panginoon na sa bawat pagsubok na ating kinahaharap ay huwag sumuko at huwag mawalan ng pag-asa,ayon pa sa pangulo na;

"Gaano man kadilim ang kabanatang ating dinaanan, ang pagsusulong ng tapat at mabuting pamamahala, kaakibat ang matibay na pagtitiwala at pagkakaisa, ang pundasyon natin upang malampasan ang kalbaryong ating dinatnan"

Ang linyang ito ang nagpatayo sa balahibo ng inyong lingkod.

                                                          
                                                                                                       Ako si Indoy....
.
                                                                                                                 
                          
   







No comments:

Post a Comment

GOOGLE + 1